Captain's Peak Garden
BY: JEDDI MAE L. POQUITA Ang Captain's Peak Garden ay matatagpuan sa Sagbayan, Bohol, Pilipinas. Makikita dito ang pagtingin sa mga burol ni tinatawag na chocolate hills. Ang chocolate hills ay isang anyong lupa sa Bohol, Pilipinas . Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometre. Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito. Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan. Kung ikaw ay isang mahilig sa kalikasan, ang The Captain's Peak Garden and Resort ay isang perpektong lugar para sa iyo. Tingnan ang kagandahan ng chocolate hills na napapalibutan ang lugar, sariwa at iba't ibang uri ng mga bulaklak, napakasariwang hangin...